2 sanggol na isinilang sa kasagsagan ng bagyo at Habagat, alamin ang ipapangalan

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Ilang ginang ang nanganak sa kasagsagan ng hagupit Habagat at bagyong Carina sa Metro Manila. Ang isa sa kanila, sa evacuation center na nagsilang.

Sa ulat ni Ivan Mayrina sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, sinabing sa isang evacuation center sa northern Metro Manila nanganak ang ginang na si Maria Teresa Ragul.

Isang sanggol na babae ang iniluwal ni Ragul nitong Miyerkules, sinabing isusunod sa bagyo ang ipapangalan sa baby bilang si “Carina.”

Isang ina naman ang nanganak sa loob ng bahay na hindi na nagawang dalhin sa ospital dahil lubog na sa baha ang kanilang lugar sa Barangay Talayan, Quezon City nito ring Miyerkules.

Sa hiwalay na ulat ni Mark Salazar sa GMA News “24 Oras”, sinabing dakong 6:00 am nang umapaw ang San Juan River na nasabayan ng panganganak ni Mikaela Bravo.

“Kasi nung alas-kwatro sinabi ko na sa lola niya na masakit na ang tiyan e, wala pang baha nun kaso alas-sais, dun na tumaas ang baha kaya hindi na namin nadala, diyan na siya nanganak [sa bahay],” kuwento ni Dave, asawa ni Mikaela.

Nasa mabuting kalagayan na si Mikaela na nadala na sa ospital, at ang kaniyang baby boy, na papangalanan naman na David Esther. —FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*