5-anyos na naliligo sa dagat sa Zambales, patay nang madikitan ng dikya

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nasawi ang isang limang taong gulang na bata na naliligo sa dagat sa Zambales matapos siyang madikitan umano ng dikya.

Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa 24 Oras Weekend nitong  Sabado, isinalaysay ng ina ni Ranziel na si Jahaziel Michaellie Maning  na wala umanong abiso ang resort tungkol sa banta ng jellyfish sting.

Sumaklolo ang isang tauhan ng beach resort matapos madikitan ng dikya ang bata, ngunit nawalan na ito ng malay.

Isinugod pa sa ospital ang bata ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot.

“Masakit po talaga, siya ‘yung ligaya sa bahay namin. Hindi mapapalitan ng kahit ano ‘yung anak ko. Hindi ko alam kung bakit may mga ganiyan na resort  na… alam na nila ‘yung mga nangyayari, possible na mangyayari. Wala  silang [awa] sa bata,” sabi ni Maning.

Plano ng pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa resort.

Ayon sa legal counsel ng beach resort, may nakabantay na lifeguard at nabigyan ng paunang lunas ang biktima.

Mag-aabot din ang resort ng kaukulang tulong para sa naiwang kaanak ng biktima. — Jamil Santos/DVM, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*