Bangkay ng lalaki, natagpuang lumulatang sa ilog sa Port Area, Maynila

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa bahagi ng Delpan sa Port Area, Maynila nitong Sabado ng umaga.

Natagpuan ang bangkay malapit sa mga maliliit na bangka at barge na naka-angkla, ayon sa ulat ni Carlo Mateo sa Dobol B TV.

Hindi na maganda ang kalagayan ng bangkay.

Iniimbestigahan na ng Manila Police District ang insidente at inaalam kung nalunod ang lalaki o kaya ay naging biktima sa krimen. —KG, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*