Brgy. tanod na nagpapahinga sa sasakyan, patay sa pamamaril

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Patay sa pamamaril ang isang 27-anyos na barangay tanod habang nagpapahinga sa loob ng sasakyan sa Antipolo, Rizal.

Sa ulat ng GTV Balitanghali nitong Lunes, sinabing madaling araw nitong Sabado nang barilin habang nasa loob ng service vehicle ng barangay sa Sta Cruz, ang biktimang si Jomel Aguanta.

Ayon sa katrabaho ni Aguanta, katatapos lang nila ng clearing operation at nagpapahinga ang biktima nang bigla silang makarinig ng putok ng baril.

Nakita pa sa CCTV camera ang tumatakbong suspek palayo sa pinangyarihan ng krimen.

Isinugod ang biktima sa ospital pero idineklara siyang dead on arrival.

Dati na umanong nakatatanggap ng banta sa buhay ang biktima dahil sa kaniyang trabaho bilang tanod.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang salarin.–FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*