Gitgitan ng modern jeep at bus, nahuli-cam sa Maynila; LTFRB, magsisiyasat

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nahuli-cam sa Espanya, Manila ang gitgitan ng modern jeep at bus na nag-ugat umano dahil sa agawan sa pasahero. Ang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sinabing makikita sa video ang elemento ng road rage.

Sa ulat ni Joseph Morong sa GMA News “Saksi” nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente nitong Linggo.

Sa video footage, makikita ang konduktor ng modern jeep na bumaba at kinausap ang driver ng bus. Pero maya-maya lang, dinikitan ng bus ang modern jeep.

Nang umabante na ang dalawang sasakyan, tuluyan nang ginitgit ng bus ang modern jeep. Pero nang makaabente ang bus, ang jeep naman ang dumikit sa bus.

Ayon sa driver ng modern jeep na si Ronaldo Rocco, hinaharangan sila ng driver ng bus sa pagkuha ng mga pasahero sa bahagi pa lang ng Morayta.

Pinatawan ang driver ng modern jeep ng pitong araw na preventive suspension nang walang sahod.

Ayon naman sa kompanya ng bus, sinibak na nila ang driver na sangkot sa insidente.

“Driver ang may problema nadamay pati yung bus na iyon,” ayon kay Marvin Diamitas, operation manager ng AST Trans.

Sinabi ni Atty Teofilo Guadiz III, chairman ng LTFRB, ipapatawag nila ang dalawang kompanya para pagpaliwanagin. Maaari umanong masuspinde ng isang buwan ang mga unit nito.

Inihayag din ng opisyal na makikita ang elemento ng road rage sa nangyaring insidente.

“Yung init po ng ulo ng dalawang driver, it could endanger the lives of passengers kung mag-escalate sa violance yung ginawa nila,” paliwanag niya.

Pag-aaralan din umano ng LTFRB kung nagsasapawan ang ruta ng mga modern jeep at bus na iniiwasan daw sa ilalim ng PUV modernization program.– FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*