Lider ng criminal group, 4 tauhan, patay nang makaengkuwentro ang pulisya sa Cotabato

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Patay ang isang lider umano ng criminal group at apat niyang tauhan matapos nilang makasagupa ang pulisya sa Aleosan, Cotabato. Isa naman ang nasawi sa panig ng mga awtoridad.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, inilahad ng Police Regional Office 12 na nakatakda sana silang magsagawa ng operasyon sa bahay ng lider ng grupo, ngunit nag-umpisang mamaril ang mga bandido.

Dahil dito, gumanti sila ng putok ang mga awtoridad.

Nagtamo ng mga sugat ang tatlong pulis.

Ayon sa mga awtoridad, matagal na nilang sinusubaybayan ang grupo, na sangkot sa pagnanakaw at ilegal na droga. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*