Magkasintahan na sakay ng motorsiklo na umiwas sa police checkpoint, patay nang mabangga ng truck

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nauwi sa trahediya ang katuwaan ng magkasintahan at isa pa nilang kaibigan na magmotorsiklo sa Caloocan City, nang mabangga sila ng truck matapos na umiwas sa police checkpoint.

Sa ulat ni Bea Pinlac sa GMA News “24 Oras Weekend” nitong Linggo, sinabing nasawi ang magkasintahan, habang sugatan ang isa pa nilang kasamahan.

Ayon sa isang opisyal ng barangay, nagkatuwaan ang tatlo na magmotorsiklo na pawang walang suot na helmet nitong Linggo ng madaling araw.

Pero may madadaanan silang police checkpoint kaya nag-U-turn ang tatlo at humarurot. Ngunit nakita sila ng mga pulis kaya hinabol sila.

Pagdating sa panulukan ng Dagat-dagatan Avenue, dumiretso ang motorsiklo kahit naka-red light umano ang direksyon nila.

Nagkataon naman na may dumarating na truck mula sa kabilang direksyon na naka-green light, at nasalpok ang mga biktima.

Ang babaeng nasawi, pamangkin ng barangay kagawan na si Rocky Badiana.

“Kamag-anak ko pala yung babae dahil hindi ko siya mamukhaan. Nagulat ako, pamangkin ko pala,” ayon kay Badiana.

Nakadetine sa himpilan ng pulisya ang driver ng truck habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.–FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*