Magkatrabaho na sakay ng motorsiklo, patay matapos maaksidente sa Maynila

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Dead on the spot ang isang motorcycle rider at angkas nito matapos maaksidente sa Recto Avenue corner Matapang Street sa lungsod ng Maynila.

Naganap ang aksidente pasado ala una ng madaling araw nitong Miyerkules.

Ayon sa Manila Police District (MPD), mabilis ang takbo ng motor na minamaneho ng lalaking biktima.

Ito raw ang naging dahilan kaya sila bumangga sa concrete sidewalk sa lugar bago sumalpok sa pader ng isang gusali.

Ayon sa Barangay official, hindi na naisugod sa ospital ang mga biktima.

Tumagal din ng dalawang oras bago sila nakuha ng punerarya.

Ayon naman sa mga kaanak ng driver ng motor, galing daw sa trabaho ang kanilang pinsan at ihahatid nito ang babaeng katrabaho sa Taguig City.

Posibleng may iniwasan daw silang lubak sa kalsada kung saan nawalan siya ng kontrol sa manibela at tuluyang bumangga.

Pakiusap nila sa lokal na pamahalaan, ayusin ang mga kalsada sa lugar at magdagdag ng mga ilaw para maiwasan ang aksidente.

Pinaalalahanan naman ng MPD ang mga motorista na laging mag-ingat sa pagmamaneho at iwasan ang pagbili ng mga substandard na protective gears. — BAP, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*