P157-M jackpot sa 6/49 lotto, nasolo ng isang mananaya; higit P1-M sa 6D, tinamaan din

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Isang mananaya ang suwerteng nasolo ang jackpot prize sa Super Lotto 6/49 draw nitong Huwebes, July 18, 2024.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na isa ang nakatama sa lumabas na mga numerong 41-33-31-24-37-49.

May kabuuang premyo ito na P157,395,155.60.

Umabot naman sa 20 mananaya ang tumama ng 2nd prize na may premyong P50,000.00.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42, na ang lumabas na mga numero ay 27-25-11-40-18-19. at may premyo na P9,232,098.20.

Pero mayroong 32 mananaya na nanalo ng 2nd prize na may premyong P24,000.00.

Isang mananaya rin ang nakasolo sa jackpot prize na P1,135,985.00 para sa 6D Lotto na ang lumabas na mga numero ay 8-6-8-7-2-2

Click: Tingnan ang iba pang resulta sa lotto .–FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*