‘StarWars’ laser weapon, itatapat ng South Korea sa drones ng North Korea

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Kaya umanong pabagsakin ng South Korea ang mga drone ng North Korea na hindi sila gumagamit ng bala o missiles. Ang kanilang panlaban: laser weapons na mula sa kanilang laser program na “StarWars project.” Tahimik at “invisible” umano kapag tumama ang laser sa kalaban.

Sa ulat ng Reuters, sinabing ipoporma na ng South Korea ang kanilang laser weapons para pabagsakin ang mga drones ng North Korean ngayong taon.

Kapag nangyari ito, ang South Korea ang magiging kauna-unahang bansa sa mundo na magbabandera at gagamit ng naturang uri ng armas-militar, ayon sa kanilang procurement agency nitong Huwebes.

Ang naturang laser program na “StarWars project” ay ginawa kasama ang Hanwha Aerospace 012450.KS. Kumpara sa ibang armas, mas matipid umano ang laser weapons na nagkakahalaga ng 2,000 won ($1.45) per shot, ayon sa pahayag ng Defense Acquisition Program Administration (DAPA).

Bukod dito, tahimik at “invisible” umano ang pagtama ng laser sa kalaban.

“Our country is becoming the first country in the world to deploy and operate laser weapons, and our military’s response capabilities on North Korea’s drone provocation will be further strengthened,” sabi ng DAPA na tinawag na game changer sa future battlefield ang kanilang makabagong armas.

Paliwanag ng tagapagsalita ng DAPA sa isang briefing, tatargetin ng “beam” o liwanag mula sa laser weapon sa loob lang ng 10 hanggang 20 segundo ang makina at iba pang electric equipment upang mapabagsak ang drone.

Nitong nakaraang Disyembre, limang North Korean drones ang dumaan sa South Korea, na dahilan para magpalipad ang Seoul ng kanilang fighter jets at attack helicopters para tangkaing pabagsakin ang mga ito.

Bukod sa South Korea, gumagawa rin umano ng laser weapons ang China at Amerika, ayon sa US nonprofit think tank na RAND Corporation. — mula sa ulat ng Reuters/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*