Tricycle driver na naghatid lang ng pasahero, sugatan matapos pagtulungang bugbugin

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nagtamo ng mga sugat ang isang 34-anyos na tricycle driver na naghatid lang ng pasahero matapos siyang pagtulungang bugbugin sa Dagupan.

Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, makikita ang pagtambad ng biktima habang sinusuntok ng isa pang lalaki.

Ilang saglit pa, umawat ang isa pang rumespondeng tanod ngunit hindi tinantanan ang biktima. Matapos nito, hinampas pa siya ng kahoy ng isa pang lalaki.

Ayon sa ina ng biktima, may hinatid na pasahero ang kaniyang anak nang harangin ng lalaki at pinagbubugbog.

“Kahit na nandoon na ‘yung tanod na dalawa halos hindi pa nila masuway ‘yung nagpupukpok ng tubo sa anak ko. Nakahiga na ‘yung anak ko binubugbog, pinupukpok,” sabi ng ina ng biktima.

Nagpapagaling ang sugatang biktima.

Sinabi ng barangay na may hindi pagkakaunawaan ang mga dawit sa insidente, na mga wala pang pahayag.

Nakatakdang magharap ang tricycle driver at mga suspek. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*