VP Sara Duterte, sinabing inalis ng PNP ang 75 pulis na nagbibigay sa kaniya ng seguridad

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Sinabi ni Vice President Sara Duterte nitong Martes na inalis ng Philippine National Police (PNP) ang 75 pulis na nakatalaga sa kaniya para magbigay ng seguridad. Kinumpirma naman ito ni PNP Chief Police General Rommel Marbil.

Sa pahayag, sinabi ni Duterte na inilabas ang naturang kautusan ni Marbil nitong Lunes, July 22.

Sa kabila nito, tiniyak ni Duterte na hindi maapektuhan ng pangyayari ang kaniyang trabaho bilang pangalawang pangulo ng bansa.

“I do hope, however, that with this latest directive of the Chief PNP, we hear less cries from the people regarding the proliferation of drugs in the country, and that even fewer shall fall victim to various criminal activities,” ani Duterte.

“Tuloy-tuloy pa rin ang ating trabaho upang makapaghatid tayo ng serbisyo sa ating mga kababayan — lalong-lalo na sa mga liblib o underserved communities sa ating bansa,” dagdag niya.

Sa panayam, kinumpirma ni Marbil na binawasan ng PNP ang bilang ng mga pulis na nakatalaga sa security detail ng pangalawang pangulo.

“‘Yung security ng Vice President is not under anymore sa amin. It’s under the Presidential Security Command,” paliwanag ni Marbil.

“What we’re doing right now, especially sa NCR na kulang kulang ang mga tao natin. We have to ano…nagbawas po kami ng mga tao na hindi naman nila kailangan,” dagdag ng opisyal. —FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*