2 babae, patay sa pananaksak sa boarding house sa Tagum City; suspek, 1 pang lalaki, napatay ng mga pulis

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nag-amok umano at pinatay sa saksak ng isang security guard ang dalawang babae na kapuwa niya nangungupahan sa isang sa boarding house sa Tagum City. Ang suspek at isa pang lalaki, napatay ng mga rumesponding pulis.

Sa ulat ni Rgil Relator sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente noong Biyernes sa Barangay Magugpo East, Tagum City.

Armado umano ng patalim ang suspek na isang security guard at pinatay nito sa saksak ang dalawang biktima na edad 19 at 28, na nasa magkaibang kuwarto.

Sa halip na payapang sumuko sa mga pulis, nanlaban umano ang suspek kaya napilitan na siyang paputukan na dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Isang lalaki rin na armado umano ng patalim ang napatay ng mga pulis sa naturang lugar.

Inaalam pa sa imbestigasyon ang kaugnayan ng lalaki sa napaslang na suspek, pero may mga nagsasabi na tutulong lang ang lalaki para sagipin ang dalawang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng suspek sa pagpatay sa dalawang babae. Inaalam din kung kaso ng mistaken identity ang pagkakapatay sa lalaki.– FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*