47-taong gulang na babae, patay sa pamamaril umano ng asawa sa Iloilo

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Patay ang isang 47-taong gulang na babae sa Cabatuan, Iloilo matapos pagbabarilin umano ng kanyang asawa nitong madaling araw ng Sabado. Ang suspek, nagbaril din sa sarili.

Nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa Barangay Amerang, ayon sa ulat sa Super Radyo dzBB ni Sevein Hope Gegantoca ng Super Radyo Iloilo.

Ayon sa imbestigasyon, nakarinig ng tatlong putok ng baril ang anak ng biktima.

Tumakbo raw ang suspek sa daan at binaril din ang kanyang sarili, dahilan ng kanyang pagkamatay din.

Sa panayam ng Super Radyo Iloilo kay Police Captain Dionisio Estacio, hepe ng Cabatuan Municipal Police Station, sinabi nitong matagal nang may away umano ang mag-asawa.

Posible raw na nakainom ang suspek bago nangyari ang insidente. —KG, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*