Babaeng guro, patay sa saksak ng kaniyang kinakasama sa CamSur

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Patay ang isang 37-anyos na guro matapos siyang pagsasaksakin ng kaniyang 37-anyos na live-in partner sa Garchitorena, Camarines Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia nitong Lunes, sinabing selos ang nakikita ng mga awtoridad na motibo sa krimen na nangyari sa Barangay San Vicente.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na pinuntahan ng suspek sa bahay ang biktima para makipag-ayos.

Pero nauwi ito sa mainitang pagtatalo na humantong para saksakin ng suspek ng apat na beses ang guro.

Kaagad na tumakas ang suspek na tinutugis na ng mga awtoridad. Nakiusap din sila sa publiko na may nalalaman sa kinaroroonan ng suspek.

“Sa sinumang concerned citizen na makakakita sa suspek, mangyaring ibigay ang impormasyon sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya sa inyong lugar,” sabi ni PEMS Santos Jose Mora, Public Information Officer ng Garchitorena Municipal Police Station (MPS).–FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*