Bangkay ng lalaking may mga saksak sa dibdib, natagpuan sa Pinugay River sa Antipolo

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Isang bangkay ng lalaki na may mga saksak sa dibdib ang natagpuan sa Pinugay River sa Antipolo City nitong Sabado.

Ang bangkay ay natagpuang nakasilid sa isang sako, ayon sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Lunes.

Mag-aalas onse ng umaga noong Sabado nang makuha ang bangkay sa ilog sa Barangay San Jose.

Ayon sa mga pulis, nakita ng mga batang naglalaro ang sako.

Ipinagbigay-alam naman ng ilang biker sa pulisya ang pangyayari.

“This is the first time na may natagpuang bangkay doon at ganito ang mode of execution,” ani Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, chief of police ng Antipolo Component City Police Station.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, hindi bababa sa tatlo ang natamong saksak ng lalaki.

Malamang din daw ay hindi lang isang salarin ang gumawa ng krimen.

“We are looking into the possibility na two or more [ang suspek] kasi ‘yung pag-itsa pa lang doon sa river, it really needs at least two manpower. Kasi mataas masyado, mataas at matarik ‘yung ilog kung saan siya ay tinapon,” ani Manongdo.

Kinilala na ng mga kaanak ang 27-anyos na biktima na nawawala raw mula Huwebes.

Ayon sa kapatid ng biktima, binigyan nila ang biktima ng P3,000.

Baka raw lumabas ang biktima ng madaling araw dahil nagutom at baka na-holdap siya at nanlaban.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

Apela naman ng kapatid ng biktima, sana raw ay sumuko na ang mga suspek.

“Sana sumuko na sila. Sana makonsensiya sila dahil gusto namin ‘yung hustisya… Gusto rin namin malaman ang dahilan bakit nagawa nila itong karumal-dumal na pangyayari sa kapatid ko po,” aniya. —KG, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*