Bata na naipit ang kamay sa pinto ng elevator sa China, paano kaya nailigtas?

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nalagay sa panganib ang isang batang babae matapos na maipit sa pinto ng elevator ang kaniyang kamay sa Sichuan, China. Paano kaya matatanggal sa pagkakaipit ang kaniyang kamay? Alamin.

Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, mapapanood sa naturang footage ang isang batang babae sa sa loob ng elevator kasama ang kaniyang lola.

Maya-maya pa, pumuwesto at dumikit ang bata sa pintuan ng elevator. Nang makarating na sila sa floor ng kanilang unit, bumukas ang pinto ng elevator na doon na naipit ang kamay ng bata.

Agad namang sumaklolo ang mga magulang ng bata matapos marinig ang komosyon mula sa elevator na mabuting hindi na nagsara at gumalaw.

Pinindot din ng nanay ang alarm ng elevator bago siya tumakbo pabalik sa kanilang unit.

Ilang saglit pa, kumuha ang ina ng isang bote ng mantika, at ginamit ang mantika upang mapadulas ang balat sa kamay ng bata upang matanggal sa pagkakaipit sa pinto.

Agad na isinugod sa ospital ang bata na sa kabutihang palad ay hindi nagtamo ng injuries.

Pumayag ang mga magulang ng bata na ilabas ang video upang magpaalala ng ibayong pag-iingat lalo kung may kasamang bata sa elevator. — Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*