Carlos Yulo, naka-gold muli sa vault finals naman sa Paris Olympics

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Muling nadinig ang pambansang awit ng Pilipinas sa ginaganap na Olympics sa Paris matapos na maka-ginto muli si Carlos Yulo sa vault finals event nitong Linggo ng gabi.

Nakuha ni Yulo ang una niyang gold medal matapos siyang maghari sa men’s floor exercise finals nitong Sabado ng gabi sa Bercy Arena.

Kumamada ang 24-anyos na golden boy ng Pilipinas ng 15.166 points sa kaniyang event, at kauna-unahang atleta ng Pilipinas na naka-ginto ng dalawang beses sa Olympics.

Bukod sa dalawang ginto ni Yulo, may siguro nang bronze medals ang Pilipinas mula sa mga boxer na si Nesthy Petecio at Aira Villegas.

BIYAYA SA PANALO

Sa ilalim ng Republic Act 10699, may cash incentives ang gobyerno sa mga mananalo ng medalya sa naturang kompetisyon.

P10 milyon sa makasusungkit ng ginto, P5 milyon para sa pilak, at P2 milyon sa mag-uuwi ng tansong medalya.

Ang naturang cash reward ay para sa bawat individual events.

Makatatanggap din ng Olympic Gold Medal of Valor mula sa Philippine Sports Commission (PSC) ang makasusungkit ng gintong medalya.

May pangako rin ang POC ng house and lot sa gold medalist. Sa lumabas na mga ulat, isang property development company ang nangako na magbibigay ng condominium unit sa makakakuha ng ginto.

Sa Kamara de Representantes, magbibigay umano ng P3 milyon regalo para kay Yulo.

“In recognition of his historic accomplishment, the House of Representatives is honored to award Carlos Yulo P3,000,000. This reward reflects our support for his continued success and our commitment to fostering Filipino talent on the international stage,” ayon kay Representative Elizaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations.—FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*