Construction worker, patay nang pagtatagain ng kaibigang tricycle driver sa Rizal

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nasawi ang isang construction worker nang pagtatagain siya ng kaniyang kaibigang tricycle driver sa Cainta, Rizal.

Sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Martes, mapanonood sa CCTV ang pananaga ng suspek sa biktima habang nakahiga ito sa semento sa Barangay San Andres, bago mag-10 a.m. ng Lunes.

Dead on the spot ang 40-anyos na biktima, habang agad tumakas ang suspek matapos ang krimen.
Sinabi ng asawa ng biktima na may dati nang alitan ang dalawa.

Nitong Lunes, tinungo ng suspek ang biktima sa pinagtatrabahuhan nitong construction site na may dalang bolo.

Lumabas sa monitoring ng pulisya na tumakas ang suspek papunta sa A. Rodriguez Avenue sa Cainta.

Ayon sa Cainta Police, nagsagawa sila ng follow-up operation matapos ang insidente at napag-alamang nagtago ang suspek sa bahay ng kaniyang kapatid. Doon na siya dinakip.

“Pinagsisisihan ko po kasi nag-blackout ako, hindi ko nakontrol ang sarili ko. Alam ko namang hindi maganda ‘yung kahihinatnan,” sabi ng suspek.

Na-inquest na ang suspek at sinampahan ng reklamong murder. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*