Fil-Am cop sa California na reresponde sa car chase, patay nang banggain ng suspek ang patrol car niya

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nasawi ang isang pulis na Filipino-American sa San Diego, California Police Department nang banggain ng suspek na hinahabol ng mga awtoridad ang sinasakyan niyang patrol vehicle sa Clairemont Mesa Boulevard sa San Diego noong Lunes.

Nagluluksa ang San Diego Police Department sa pagpanaw ng kanilang kasamahan na Fil-Am officer na si Austin Machitar, 30-anyos, na limang taon na sa serbisyo.

Ang kasama ni Machitar sa patrol car na si Zach Martinez, 27-anyos, malubha ring nasugatan.

Batay sa lumabas na mga ulat, inalarma ng awtoridad ang isang sasakyan na nakitang mabilis ang takbo. Rumesponde sina Machitar at Martinez sakay ng kanilang patrol car hanggang sa mangyari ang banggaan.

Nasawi rin ang suspek na nagmamaneho ng sasakyan pero hindi muna siya pinangalanan ng awtoridad.

Nagpahatid ng mensahe ng pakikiramay si California Governor Gavin Newsom para sa mga naulila ni Machitar.

“Jennifer and I are heartbroken by the tragic loss of Officer Machitar. His loved ones, friends, and colleagues at the San Diego Police Department are in our hearts during this difficult time. Our thoughts are also with his fellow officer who was seriously injured,” ayon kay Newsom.

Nagdadalamhati rin ang alkalde ng San Diego na isa ring Fil-Am na si Todd Gloria sa pagpanaw ni Machitar.

Sa isang pahayag, sinabi ni Gloria na handa ang kaniyang tanggapan na suportahan ang pamilya ni Machitar.

“Our city mourns the tragic loss of one of San Diego’s finest, Officer Austin Machitar. His distinguished service to our city made him a hero. I offer the deepest condolences of the city to Austin’s family and loved ones,” ani Gloria.

“We pray for the full recovery of his partner, Officer Zachary Martinez, who was gravely injured in the crash,” patuloy niya.

Nagluluksa rin ang Filipino community sa sinapit ni Machitar, at umaasa sila sa mabilis na paggaling ni Martinez.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang California Highway Patrol sa nangyaring insidente. —mula sa ulat ni Dave Llavanes Jr./FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*