Flight, na-delay matapos mag-bomb joke ang isang lola sa Tacloban Airport

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Naudlot ang isang flight sa Tacloban Airport matapos mag-bomb joke ang isang lola.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing lumabas sa imbestigasyon na isang lola ang tinutulungan ng crew sa kaniyang bagahe nang sabihin niyang mabigat ang kaniyang bag dahil may laman umano itong bomba.

Dahil dito, hindi pinayagang bumiyahe ang lola, na mag-isa lang noon.

Nasa kustodiya na ng PNP Aviation Security Group ang lola. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*