Lalaki, timbog nang mahulihan ng ‘di lisensiyadong baril sa Rizal

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Sa kulungan ang bagsak ng isang 47-anyos na lalaki matapos siyang mahulihan ng hindi lisensiyadong baril sa Taytay, Rizal. Depensa ng suspek, ginagamit niya lamang itong pangdepensa.

Sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita nitong Martes, sinabing nadakip ang lalaki linggo ng madaling araw.

Nagsasagawa noon ang Taytay Police ng Oplan Sita sa Barangay Dolores nang makita nilang nakatambay sa kalsada ang suspek.

Ayon sa Taytay Police, kahina-hinala ang mga ikinikilos ng suspek, kaya sinundan na nila ito.

Binuksan ang bag ng suspek, at nakita ang isang unit ng Intratec-modelled pistol na may serial number at may kasamang magazine at kargado ng tatlong pirasong balang 9 mm.

Sinabi ng inarestong suspek na dalawang linggo pa lamang siyang nakatira sa Taytay. Dati umano siyang taga-Laguna at nagtatrabaho roon bilang construction worker.

Ginagamit niya lamang pangdepensa ang dala niyang baril, na nabili niya mula sa dating katrabaho.

“Mahirap ang lugar na ‘yan diyan ma’am eh, medyo nakainom din po ako kaya depensa lang po sa sarili ko,” anang suspek.

Nakadetene sa Taytay Custodial Facility ang suspek, na nahaharap sa kasong resistance and disobedience to a person in authority at kasong paglabag sa comprehensive firearms law. —VAL, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*