Mga alagang aso, sumabak sa World Surfing Championships sa California

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nakipagsabayan ang mga alagang aso sa mga alon sa kanilang pagsabak sa World Dog Surfing Championships na ginanap sa California, USA.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, mapapanood ang tagisan ng mga aso ng kanilang galing sa pagsabay sa hampas ng alon habang sakay ng board.

Nakagrupo ang mga aso base sa kanilang sukat na small, medium, large at extra-large.

Maliban sa kanilang surfing skills, nagpaandar din ang ilang surfing dogs sa kanilang “aw-aw-TDs” (OOTDs).

Layunin ng taunang contest na bigyan ng spotlight ang mga aso na nangangailangan ng tulong at makalikom ng donasyon para sa kanila.– Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*