Misis, patay matapos barilin ni mister sa Iloilo; suspek, nagbaril sa sarili sa kalye

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Humantong sa madugong krimen ang away ng mag-asawa matapos barilin ng mister ang kaniyang misis sa kanilang bahay sa Iloilo. Ang suspek, nagbaril din sa sarili sa kalsada.

Sa ulat ni Zen Quilantang-Sasa sa GMA Regional TV News nitong Martes, sinabing nangyari ang trahediya sa bahay ng mag-asawa sa bayan ng Cabatuan sa Iloilo.

Sinabi umano ng anak ng mag-asawa sa pulisya, na sapilitang pumasok sa bahay ang suspek at binaril ng tatlong beses ang ginang.

Pagkatapos ng pamamaril, tumakbo ang suspek sa highway at binaril naman ang kaniyang sarili.
Dinala ang dalawa sa ospital pero pareho silang binawian ng buhay.

Ayon sa pulisya, may problema sa pagsasama ang mag-asawa at hindi na umuuwi ng bahay ang suspek.

Inihayag naman ng punong barangay na ilang buwan lang ang nakalilipas nang respondehan nila ang pag-aaway ng mag-asawa.

Hindi naman binanggit sa ulat kung ano ang ugat ng pag-aaway ng mag-asawa na nauwi sa malagim na krimen.–FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*