Mister, nagpakalbo rin para suportahan ang misis na lumalaban sa cancer

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Pinatunayan ng isang mister na “sa sakit at sa kalusugan” ang kanilang pagsasama matapos siyang magpakalbo rin para suportahan ang kaniyang asawa na lumalaban sa cancer sa Abulug, Cagayan.

Sa ulat ni Claire Lacanilao-Dungca ng GMA Regional TV, sinabing walong taon nang kasal sina Gerald at Karla Espergal, at mayroong dalawang anak.

Pinatibay na ng kanilang wagas na pagmamahal sa isa’t isa ang kanilang pagsasama.

Ngunit dumating ang matinding pagsubok sa kanilang buhay nang ma-diagnose si Karla na may Lymphoma, na isang uri ng cancer.

Nang kailanganin na ni Karla na magpakalbo, sinamahan siya sa barber shop ni Gerald, at idinokumento niya ang bawat sandali.

Pero laking gulat ni Karla dahil habang hinahanda siya upang kalbuhin, biglang ginamit ni Gerald ang razor at kinalbo ang sarili.

Pinigilan ni Karla si Gerald, habang hindi niya mapigilan ang pag-iyak.

“Kaya po ako nagpakalbo, kasi gusto kong samahan si misis sa laban na kinakaharap niya which is cancer,” sabi ni Gerald.

Sa post niya sa social media ng pagkalbo sa sarili, si Gerald na rin mismo ang nagkalbo kay Karla.

Umani ito ng positibong reaksyon, at nakatanggap ng mensahe mula sa followers na gusto ring magpakalbo bilang suporta kay Karla.

“Ma’am Karla, mas tibayan mo lang ang loob mo, pakatatag kayong dalawa. Kapit tayo sa kaniya kasi alam ko, alam natin na hindi tayo bibigyan ng problema na hindi natin kayang lusutan or lampasan,” sabi ni Gerald.

Naniniwala si Gerald at Karla na sa kanilang pagmamahalan sa isa’t isa at pananampalataya sa Diyos, sapat na ito upang harapin ang karamdaman.

Sa tulong at suporta ng mga kaanak at kaibigan, sabay nilang lalabanan ang sakit ni Karla.– Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*