Motorcycle rider, patay matapos masagi ng PUV at nagulungan ng SUV sa Cebu

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nasawi ang isang rider matapos matumba nang masagi ng modernized Public Utility Vehicle (PUV) ang kaniyang motorsiklo, at pagkatapos ay nagulungan naman ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Sa ulat ni Lou-Anne Mae Rondina sa GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Lunes, sinabing nangyari ang trahediya noong Sabado ng umaga sa ML Quezon Highway sa Barangay Pajo.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad na residente ng Barangay Babag sa nasabing lungsod ang 53-anyos na biktima.

Ayon sa Traffic Enforcement Unit ng Lapu-Lapu City Police, gumilid umano ang modern PUV para magbaba ng pasahero.

Pero nang magmaniobra na ang sasakyan para lumipat ng linya, doon na niya nasagi ang motosiklo ng biktima.

Natumba ang rider mula sa kaniyang motorsiklo at nasagasaan naman ng SUV.

Pansamantala umanong idinetine ang mga driver ng PUV at SUV sa Lapu-Lapu City Police Station, pero nakausap na umano ng mga ito kinalaunan ang pamilya ng biktima. — FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*