Nahuli-cam na pananakit sa isang estudyante sa Naga City, iniimbestigahan ng pulisya

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nagsasagawa ng imbestigasyon ng Naga City Police Office (NCPO) kaugnay sa lumabas na video na isang estudyante ang sinasaktan ng mga kapuwa estudyante rin. Kasama sa aalamin kung may kinalaman ang pananakit sa initiation ng fraternity.

Sa ulat ni Cris Novelo sa GMA Regional TV Balitang Bicolandia nitong Biyernes, makikita ang isang estudyante na may takip sa mata ang sinusuntok ng ilang estudyante rin.

Napaluhod pa ang biktima at halos hindi makatayo sa tinamong suntok.

Ayon sa NCPO, alam na nila ang tungkol sa video na kanila nang iniimbestigahan.

Sinabi ni Police Major Alex Sumayao, Station Commander ng NCPO Station 3, nakikipag-ugnayan na ang kanilang Women and Children Protection Desk sa kinauukulang ahensiya dahil mga menor de edad ang nasa video.

Batid na rin umano kung ano ang eskuwelahan ng mga sangkot na estudyante na nasa Junior High School.

Kinondena ng pamunuan ng paaralan ang naturang karahasan na wala umanong puwang sa kanilang institusyon.

Nakikipagtulungan din sa imbestigasyon ang isa pang paaralan na estudyante ang isang mag-aaral na kasama sa insidente.

Maaari umanong mapatalsik mula sa paaralan ang mga estudyante na sangkot sa insidente, depende sa bigat ng kanilang partisipasyon.

Mariin ding kinondena ng Department of Education (DepEd) sa Naga City ang insidente. — FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*