Walang kawala ang isang motorcycle rider na dumaan sa EDSA busway at nagtangkang takasan ang mga awtoridad na sumita sa kaniya.
Sa ulat ni Saleema Refran sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, makikita na umarangkada pa rin ang rider nang pahintuin na siya ng mga awtoridad.
Pero bago pa tuluyang makaharurot, natumba na ang kaniyang motorsiklo.
“Tatabi naman po ako kaso nagmamadali po kasi late na po kasi ako sir, wala naman po bus nagmamadali ako, sir,” paliwanag ng rider na inisyuhan ng violation ticket.
Isa pang rider na dumaan din sa busway ang sinita at nagtangka ring tumakas pero rin nakalusot.
“Nag-overtake lang ako saglit lang naman ako e,” dahilan ng rider.
Isang ambulansiya na dumaan din sa busway ang piantigil pero kaagad ding pinaalis nang makumpirma na may sakay na pasyente.
Samantala, ilang sasakyan naman ang nakitang nakaparada sa Chino Roces Avenue Extension sa Makati City kahit may nakalagay na karatula na bawal magparada ng sasakyan.
Ilng traffic enforcers ang nagpapaalis sa mga sasakyan para mapaluwag ang daloy ng trapiko sa lugar.—FRJ, GMA Integrated New
Be the first to comment