Sales lady, nakitang patay sa inuupahan niyang kuwarto sa Cebu City

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Patay na, may sunog sa ulo at walang saplot nang makita sa loob ng inuupahan niyang kuwarto ang isang sales lady sa Cebu City.

Sa ulat ni Nikko Sereno ng GMA Regional TV Balitang Bisdak sa GMA News 24 Oras Weekend, sinabing nakita ang bangkay ng 27-anyos na biktima na si Charina Relativo sa inuupahang kuwarto sa Barangay Bulacao noong Biyernes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na unang umalis umano ang kinakasama ng biktima. Pero nang tawagan umano nito ang biktima para sa trabaho, hindi na ito sumasagot.

Tumawag ang lalaki sa kakilala para tingnan ang biktima at doon na nadiskubre ang bangkay ni Relativo.

Ayon sa isang kapitbahay, may nadinig siya sa kuwarto ng biktima dakong 11:00 am noong Biyernes.

Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ng biktima para malaman kung ano ang ikinamatay ng biktima.

May person person of interest sila at mga inimbitahan sa kaso.

Dinala ang mga labi ni Relativo sa kaniyang bayan sa Argao.– FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*