Sanggol, patay nang takpan ng unan at upuan ng kaniyang ama sa Taguig City

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Nasawi ang isang 11-buwang gulang na sanggol matapos siyang takpan ng unan at upuan ng sarili niyang ama sa Taguig City. Ang suspek, naghihiganti umano sa ina ng biktima.

Sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita nitong Biyernes, inilahad ng pulisya na nagtalo ang ama at ina ng sanggol na nauwi sa sakitan kaya umalis muna ang nanay ng biktima.

“Nag-text itong lalaki doon sa babae na ‘Kapag hindi ka bumalik, papatayin ko itong bata,'” sabi ni Police Major Cherrylyn Agtarap, PIO ng Taguig Police Station.

Pagkaraan ng ilang oras, nabalitaan na lang umano ng ginang na patay na ang kaniyang bunsong anak.

”Ang nangyari, tinakpan niya (suspek) ng unan. After niya takpan ng unan, inupuan niya pa ‘yung bata hanggang sa mamatay,” sabi ni Agtarap.

Matapos isakatuparan ang krimen, nagpakamatay din ang lalaki.

Inilahad ng kapatid ng lalaki na nabilanggo noon ang kaniyang kuya dahil sa ilegal na droga.

Noong nakakulong, may iba umanong kinasama ang ina ng bata at tumuloy pa ito sa kanilang mismong bahay.

Tumangging humarap sa camera ang ina ng bata, na itinanggi ang paratang sa kaniya.

Ayon pa sa kaniya, ilang beses na umanong nagbanta ang lalaki na papatayin ang kanilang anak, ngunit hindi niya ito pinansin sa pag-aakalang hindi ito kayang gawin ng lalaki.

Patuloy na inaalam ng pulisya kung gumamit ng ilegal na droga ang lalaki bago mangyari ang insidente.

Sinabi ng barangay na nasa drug watchlist nila ang lalaki.  — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*