Isang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang tagaluto sa isang food stall sa Cagayan de Oro City matapos siyang barilin ng lalaking nangholdap sa tindahan.
Sa ulat ni Cyril Chavez sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes, sinabing nangyari ang krimen noong Sabado ng gabi sa Barangay Agusan.
Ayon sa pulisya, pumalag ang 35-anyos na biktima na tagaluto sa tindahan nang magdeklara ng holdap ang suspek.
Matapos ang pamamaril at makuha ang pera sa tindahan, tumakas ang suspek.
Pero makaraan ang ilang oras, naaresto ang suspek sa Barangay Canitoan, pero itinanggi niya na sangkot siya sa nangyaring krimen.
Nakatitiyak naman ang pulisya na ang suspek ang nasa likod ng krimen na sasampahan nila ng reklamong robbery with homicide. — FRJ, GMA Integrated News
Be the first to comment