Travel agency na nag-aalok umano ng trabaho sa Japan at Italy, ipinasara ng DMW

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang travel agency sa Mandaluyong na ilegal din umanong nangangalap ng magtatrabaho sa Japan at Italy.

Sa ulat ni Raffy Tima sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes, sinabing nagsagawa ng entrapment operation ang DMW laban sa Thrifty International Travel and Tours Inc.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, direct hire arrangement ang ginagawa umano ng agency kahit hindi bihasa sa Nihonggo, o wika ng mga Hapon, ang aplikante.

Idinagdag ng kalihim na P60,000 na sahod kada buwan ang ipinapangako ng agency sa aplikante.

Nanghihingi umano ang mga ito ng P120,000 sa aplikante, at P60,000 ang nais na down payment.

Ayon kay Cacdac, ang naturang P60,000 ang ginamit nilang markadong pera sa isinagawang entrapment operation.

Bukod sa trabaho sa Japan, nagre-recruit din umano ang agency ng mga nais magtrabaho sa Italy sa pamamagitan ng referral sa ibang recruitment agency.

Sinabi ni Cacdac, na walang lisensya ang kompanya para maging recruiter.

Idinahilan naman ng dalawang naaresto na hindi umano nila alam ang proseso ng batas. —FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*