Walo, patay sa salpukan ng passenger van at delivery van sa Sariaya, Quezon

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

SARIAYA, Quezon – Walo ang napaulat na nasawi sa nangyaring salpukan ng isang private passenger van at isang delivery van sa Maharlika Highway, Sto. Cristo, Sariaya, Quezon nitong Linggo ng umaga.

Nangyari ang aksidente dakong 5:50 ng umaga kanina.

Ayon sa report ng Sariaya Municipal Police Station, patungo sa direksyon ng Maynila ang passenger van habang patungo naman sa Bicol ang delivery van.

Sa tindi ng salpukan ay nawasak ang passenger van.

Naging pahirapan ang ginawang pag-rescue sa mga pasahero ng private van.

Ang mga sugatan ay isinugod sa pagamutan sa Candelaria, Quezon.

Nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang aksidente.

Ligtas naman ang driver at pahinante ng delivery van.

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Sariaya Municipal Police Station. —KG, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*