4 na dayuhan arestado matapos makuhanan ng matataas na kalibre ng baril sa Makati

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Mag live-in partner na Vietnamese at dalawang Chinese national, arestado matapos makuhanan ng matataas na kalibre ng baril sa Makati City.

Himas rehas ang apat na dayuhan matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang condo unit sa Makati City.

Nakuha sa kanila ang ilang matataas na kalibre ng baril at mga bala na walang mga dokumento.

Ayon sa pulisya, isang search warrant ang kanilang isinilbi laban sa mag live-in partner na parehong Vietnamese national.

 

Agad silang hinuli matapos magpositibo ang operasyon.

Inaresto rin ang dalawang Chinese national na nagpakilalang mga bodyguard nila.

Sabi ng pulisya, nakikipag ugnayan na sila sa iba pang ahensya para malaman kung may kaso sa ibang bansa ang mga suspek.

Isasailalim naman daw sa ballistic examination ang mga baril para malaman kung nagamit na ba ang ga ito sa anumang uri ng krimen.

Napag alaman rin nga mga awtoridad na plano pa sana ng mga suspek na umalis ng bansa kahapon.

Masuwerte na lamang at agad na naisilbi ang search warrant.

Wala pang pahayag ang mga suspek dahil hinihintay pa nila ang kanilang abogado.

Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehesive law on firearms and ammunition. — BAP, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*