5, patay sa banggaan ng isang pampasaherong bus at SUV sa Majayjay, Laguna

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Lima ang nasawi at ilan pa ang sugatan sa nangyaring banggaan ng isang pampasaherong bus at isang sports utility vehicle (SUV) sa Majayjay-Lucban Road sa Majayjay, Laguna nitong Linggo ng hapon.

Inihayag ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) officer Reyjohn Libato, na nangyari ang sakuna sa hangganan ng Barangays Bakia at Ilayang Banga, ayon sa ulat ni Sam Nielsen sa GMA Super Radyo DZBB.

Unang iniulat na nasawi ang konduktor at tatlong pasahero ng bus. Kasunod nito, iniulat na isa sa mga sugatang pasahero na dinala sa ospital ang pumanaw na rin habang nilalapatan ng lunas.

Nasa 30 pasahero ng bus ang dinala iba’t ibang ospital sa Laguna.

 

 

Kasamang dinala sa ospital ang isang bata na sakay ng SUV na nagkaroon umano ng bukol sa ulo dahil sa aksidente.

Pinaniniwalaan na inarkila ang bus para maghatid sa Kamay ni Hesus  sa Lucban, Quezon. Habang galing naman sa Majayjay ang SUV at pauwi na sa Atimonan nang mangyari ang trahediya.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad, at nadadaanan na ng mga sasakyan ang daan na pinangyarihan ng sakuna.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*