Babaeng angkas ng motorsiklo, patay matapos mabangga ng pickup sa Cainta

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Patay ang babaeng angkas ng isang motorsiklo matapos mabangga ng isang pickup sa Cainta, Rizal nitong Linggo ng madaling araw.

Nangyari ang aksidente sa Felix Avenue, ayon sa ulat ni Olan Bola sa Super Radyo dzBB.

Sa inisyal na impormasyon, lumalabas na binangga ng pickup na kulay asul ang center island at natumbok nito ang motorsiklo.

Dead on the spot ang babaeng angkas.

Hawak na ng mga awtoridad ang driver ng pickup at ang rider ng motorsiklo.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente. —KG, GMA Integrated News

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*