Estudyante, binaril pa rin ng kawatan kahit nakuha na ang kaniyang pera at cellphone sa Cebu City

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Patay ang isang 18-anyos na lalaking estudyante na biktima ng holdap sa Cebu City. Ang biktima, binaril pa rin sa ulo ng kawatan kahit pa nakuha na ang kaniyang pera at cellphone.

Sa ulat ni Fe Marie Dumaboc sa GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Lunes, kinilala ang biktima na si John Lloyd de los Reyes Bejec, mula sa Dalaguete, Cebu, at kumukuha ng marine transportation.

Ayon sa pulisya, pauwi na sa kaniyang boarding house mula sa eskuwelahan ang biktima noong gabi ng September 27, 2024, nang holdapin siya sa Sitio Alumnus Asupwa, Barangay Basak San Nicolas, Cebu City.

Kinuha ng kawatan ang cellphone at pera ng biktima na P3,600. Pero bago umalis, binaril ng suspek sa ulo ang biktima.

Isinugod siya sa Vicente Sotto Memorial Medical Center pero binawian din ng buhay.

Sa follow-up operation ng mga awtoridad sa Mambaling Police Station 11, nadakip ang suspek na bumaril na isang “Bryan,” 24-anyos, residente sa Sitio Tabay Alumnus sa nabanggit ding barangay.

Napag-alaman ng mga awtoridad na dati na ring nakulong si Fernandez dahil sa kasong ilegal na droga.–FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*