Helmet cleaning vendo machine, epektibo kayang nakakalinis at kumusta naman ang kita?

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Dahil mainit at maulan ang panahon sa Pilipinas, hindi maiiwasan na magkaroon ng amoy ang helmet. Kaya ang ibang customer ng mga motorcycle taxi, nagrereklamo. Pero no worries na dahil sa vendo machine na kaya raw maglinis ng helmet in just eight minutes. Pasado naman kaya ito sa mga rider? Alamin.

Sa programang “Pera Paraan,” sinabing P100 ang bawat palinis ng helmet sa vendo machine na tumatagal lang ng mahigit walong minuto.

Mas mabilis ito kumpara sa mano-manong paglilinis na kailangan pang patuyuin ang helmet.

Ayon kay Joyce Malasa, may-ari ng Quick Fresh Helmet Vendo Machines, mayroon limang cleaning process ang makina na kinabibilangan ng fog sanitizing para ma-disinfect ang helmet.

Ikalawang proseso ang UV sanitizing, na susundan ng ozone cleansing na naglalabas ng chlorine smell para lalo pang malinis ang helmet.

Ika-apat na proseso ang high-heat drying, at panghuli ang pagpapabango sa helmet.

Pinasubukan sa mga rider ang naturang vendo machine para ipalinis ang kanilang helmet at aprubado sa kanila ang resulta nito.

Ayon kay Joyce, sa mga motor taxi, inirerekomenda na ipalinis ang helmet na ginagamit ng mga pasahero ng isang beses sa isang linggo.

Milyong piso umano ang naging puhunan para bilhin ang 10 machine na galing pa sa ibang bansa.

Nagbukas na rin sila ng distributorship dahil may mga nagtatanong na tungkol sa makina.

Isang buwan pa lang matapos ipakilala sa publiko, marami na raw ang naka-interes na maging distributor ng vendo cleaning machine.

Ang bawat makina, nagkakahalaga ng P265,000, kasama ang liquid solution, at pabango.

Ang kita sa bawat makina, nakadepende umano sa lokasyon nito.

Sa bawat makina, ang avarage na nagpapalinis ng helmet ay nasa 10, o minimum na kita na P30,000 sa isang buwan kaya magiging mabilis din ang pagbawi ng puhunan.

Ang kagandahan umano sa vendo machine, hindi ito kailangan bantayan o lagyan ng tao.

Ayon pa kay Joyce, kung magkakaroon ng maraming vendo machine at nakapuwesto sa magandang lugar, maghihintay na lang ang may-ari ng kita.

“Kung may naiisip kayong idea [na negosyo], umpisahan niyo na. Huwag niyo nang hintayin na mayroon pang ibang tao na mag-start din noon. Kasi hindi natin maiiwasan na may nakaisip din noon [ang] advantage mo kung ikaw ang mauuna,” payo niya.–FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*