Inaarestong lalaking motorista, nakipag-wrestling sa babaeng pulis sa Amerika

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Maaksyon ang pagdakip ng isang babaeng pulis sa isang lalaking motorista na lumabag umano sa speed limit, na nakipag-wrestling pa sa kaniya sa tabing-kalsada sa Arkansas, USA.

Sa footage ng Arkansas State Police na iniulat ng GMA Integrated Newsfeed, mapanonood ang mala-pelikulang pagtugis ng pulis na si Alexandra Duncan sa 26-anyos na lalaking motorista na si Angel Zapet-Alvarado.

Sa kuha ng dashcam ni Duncan, makikitang puwersahan niyang pinalalabas ang driver mula sa kotse nito.

Gumamit pa ng taser ang babaeng pulis para lang mailabas ang driver.

Kahit na lumabas na ng sasakyan, patuloy pa rin sa pagpupumiglas ang lalaki, at nagawa pang itapon sa hindi kalayuan ang taser ng pulis.

Ilang saglit pa, isang babae ang tumulong sa Duncan. Kinuha niya ang taser ni Duncan mula sa kalsada at buong tapang na hinila ang lalaki.

Makaraan pa ang ilang saglit, nagpaputok na ng baril si Duncan.

Nadaplisan ng bala ang driver sa gilid ng kaniyang ulo, at dito na siya tuluyang sumuko sa pulisya.

Ayon sa awtoridad, bukod sa paglabag sa batas-trapiko, nakainom ang motorista at nasa impluwensiya umano ng droga.

Isinugod sa ospital ang driver matapos magtamo ng sugat, pati si Duncan na nagkaroon din ng minor injuries.

Nagpasalamat ang Arkansas Police sa 16-anyos na si Kylie Sutton sa pagtulong niya sa pagkakahuli sa motorista. — Jamil Santos/ VDV, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*