Tinatayang 19 kilo ng hinihinalang Shabu na nagkakahalagang 90 milyong piso ang nasabat ng mga awtoridad sa Matnog Port, Sorsogon nitong Sabado ng gabi.
Base sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency Sorsogon, nakatanggap ng impormasyon ng mga awtoridad na isang sasakyan mula Visayas na patungong Maynila ang may lulan ng mga droga. Sa pamamagitan ng PDEA Sorsogon, PDEA NCR, Matnog Sorsogon Police ay narecover ang kontrabando.
Mayroong 200 na pirasong medium heat-sealed sachet na naglalaman ng 10 kilo na nagkakahalagang P50,000,000 at walong piraso bricks na pinaniniwalaang may lamang droga na aabot sa 8 kilo na may halagang P40,000,000.
Kasama din sa mga narekober ang tatlong cellphone at dalawang ID .
Kinilala ang dalawang (2) suspek na sina, Kabilan Yusop Arsadc 30 anyos nula sa Poblacion Shariff Aguak, Maguindanao at Tato Kumpi Jehamin, 21 anyos, na mula sa Talitay, Maguindanao.
Ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya ngayon ng PNP at nahaharap sa patong patong na kaso sa pag-labag sa SectionIl ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. —RF, GMA Integrated News
Be the first to comment