Tindera, patay matapos barilin ng salaring sakay ng motorsiklo sa Quiapo

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Isang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang tindera sa Quaipo, Manila. Ang salarin, nakatakas sakay ng motorsiklo.

Sa ulat ni EJ Gomez sa GMA News Unang Balita nitong Lunes, ipinakita ang kuha sa CCTV camera nang maupo ang 50-anyos na biktima sa bangketa sa kanto ng Carlos Palanca at Quezon Boulevard.

Maya-maya lang, isang motorsiklo ang dumating at nadinig na ang isang putok ng baril.

Napatakbo ang ilang tao sa lugar at nakitang nakatumba na ang biktima at agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen.

Tumakas naman ang suspek sakay ng motorsiklo.

Ayon sa kaanak ng biktima, mabait at wala silang alam na kaaway nito kaya palaisipan sa kanila kung bakit siya pinatay.

Hinahanap na ng mga awtoridad ang suspek na nakuhanan ng CCTV camera ang pagtakas.– FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*