2 lalaki patay sa pamamaril sa Sariaya, Quezon

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

SARIAYA, Quezon — Dead on the spot ang dalawang lalaki na kinilalang sina Bernardo Maranan 32 anyos at June Regalado 28 anyos matapos silang pagbabarilin habang naka tambay sa isang waiting shed sa Barangay Lutucan Malabag, Sariaya, Quezon pasado 8:00 nitong Sabado ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at ulo ang dalawang biktima.

Walang nakakita sa pangyayari maliban sa bahagyang nahagip ng CCTV sa lugar.

Agad raw na umalis ang suspek matapos maisagawa ang pagbaril.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Sariaya Municipal Police Station upang matukoy ang mga nasa likod ng pamamaril at kung ano ang motibo nito.

Wala pang pahayag ang mga kaanak ng mga biktima. —RF, GMA Integrated News

 

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*