3 magkakapatid, anong sakit ang tumama na naging dahilan para paupo silang maglakad?

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

 Normal naman nang isinilang at nakapagtrabaho pa ang tatlong magkakapatid na edad 44, 47, at 53 na ngayon sa Sindangan Zamboanga del Norte. Pero noong 2010, sunod-sunod silang nilagnat at nanghina ang katawan hanggang sa tuluyan nang mahirapang makatayo kaya paupo na sila kung maglakad.

Ngunit bukod sa hirap na sa pagkilos dahil sa kanilang karamdaman, nakadagdag pa sa pasakit ng magkakapatid at kanilang mga magulang ang hindi magandang pagtrato sa kanila ng ibang tao, maging ang kanilang mga kamag-anak.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” inilahad ng isa sa magkakapatid na si Jennifer, 47-anyos, na pinaghihinalaan na mayroon silang ketong na dating karamdaman ng kanilang ama na gumaling na.

Sinasabihan umano sila ng mga tao, at maging ng kanilang mga kamag-anak na susunugin sila. Dahil sa kanilang sitwasyon, napilitan ang pamilya na manirahan na lang sa tuktok ng bundok, na malayo sa mga tao.

Ang kanilang mga magulang na matatanda na, walang magawa kundi ang mahabag sa kalagayan ng kanilang mga anak.

Ayon kay Nanay Beatriz, sa tatlo niyang anak, tanging ang panganay na si Joseph, 53-anyos, ang hindi na kayang tumayo.

Sina Jennifer at Joel, 44-anyos, nagagawa pang makatayo sandali pero nakaliyad ang katawan o mistulang nakabaluktot.

Dahil hirap kapag nakatayo, uupo na rin lang ang dalawa at paupo na maglalakad kagaya ni Joseph.

“Nilalagnat po ako bale isang linggo. Yung din po ang naramdaman ng mga kapatid ko po. Talagang dahan-dahan pong pumapayat yung katawan namin. Tapos nawala po yung lakas namin. Hindi na po kami nakatayo tsaka hindi na rin kami makapagbuhat ng mga mabibigat,” kuwento ni Jennifer.

Ayon kay Nanay Beatriz, sinubukan nilang ipagamot ang mga anak pero hindi naipagpatuloy dahil sa kawalan ng pera.

Ang pagtatanim ng mais ang ikinabubuhay ng pamilya sa bundok. Wala silang kuryente at hirap din na makakuha ng malinis na tubig.

Upang magkaroon ng maiinom at pangsaing, gumawa sila ng pangsahod sa ulan na kanilang iniipon.

“Nararamdaman ko po talaga na napapagod na ako. Napapagod na po ako sa kalagayan ko ngayon,” emosyonal na sabi ni Jennifer.

“Ganoon din po yung mga kapatid ko, napapagod na rin po sila tsaka yung mga magulang ko,” dagdag niya.

Ano nga ba ang sakit ng dumapo sa magkakapatid at maaari pa kaya silang makalakad muli nang normal? Tunghayan ang buong kuwento sa video ng “KMJS.” — FRJ, GMA Integrated News
 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*