61-anyos na babaeng nagbibisikleta, nasalpok ng motorsiklo sa Pangasinan

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Sugatan ang isang babaeng 61-taong-gulang matapos na salpukin ng isang motorsiklo ang sinasakyan niyang bisikleta sa Mangaldan, Pangasinan.

Sa ulat ni Claire Lacanilao sa GMA Regional TV One North Central Luzon, makikita sa CCTV footage na papatawid ang biktima sakay ng bisikleta sa Barangay Salay kaninang umaga.

Nasa kalagitnaan na siya ng kalsada nang dumating ang isang motorsiklo at masalpok ang bisikleta.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang bisikleta at nalaglag ang babae. Sumemplang din ang rider na may suot na helmet.

Nakaligtas pero kapuwa nagtamo ng mga sugat ang babae at rider. Nayupi rin ang gulong ng bisikleta dahil sa pagkakabangga ng motosiklo.

Nagkaayos naman ang dalawa matapos na mag-usap.– FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*