Ama na college undergrad, naging emosyonal nang ipasuot ng magtatapos na anak ang gagamiting toga

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Hindi naiwasan na maging emosyonal ng isang ama nang ipasuot sa kaniya ng kaniyang anak na magtatapos sa kolehiyo ang gagamitin nitong toga.

Sa video ng GMA Integrated Newsfeed, makikita si Rodolfo Isurda Jr., habang tila nakikipagkuwentuhan lang sa kaniyang panganay na anak na magtatapos na si Keanne Roeh.

Maya-maya pa, ipinasuot na ni Keanne sa ama ang gagamiting niyang toga at cap sa graduation.

Kasamang ipinasuot kay Tatay Rodolfo ang toga cap at sinabitan din siya ng medalya.

Ipinalipat din ni Keanne sa kaniyang ama ang tassel ng cap para sa isang full graduation experience.

Bakas sa mga mata ni Tatay Rodolfo ang kasiyahan para sa anak na mahigpit niyang niyakap.

Bukod sa naranasan na niya ngayon ang pakiramdam na magsuot ng toga, nagawa ni Keanne ang bagay na hindi niya nagawa noon–ang maka-graduate sa kolehiyo.

College undergraduate si Tatay Rodolfo pero nagpursige sa pagtatrabaho para mapag-aral ang mga anak.

Ngayon na nakapagtapos na ang kaniyang panganay na anak, itinuturing niya na ito na isang malaking panalo para sa kaniya.

Pangako naman ni Keanne sa ama, tutulong siya para mapagtapos din ang kaniyang mga kapatid.

Sa ulat ng “State of the Nation,” sinabing magna cum laude na nagtapos si Keanne sa kursong English Language Studies mula sa Polytechnic University of the Philippines.

Inihayag ni Tatay Rodolfo nang isuot niya ang toga na “Pinangarap ko rin ito.”

Sambit pa niya sa anak, “Tinupad mo ang pangarap ko.” —FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*