Bata, patay nang mabagsakan ng matumbang bakod na bakal sa Cebu City

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Isang batang lalaki na apat na taong gulang ang nasawi matapos mabagsakan ng natumbang bakal na bakod sa Cebu City.

Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, makikita sa CCTV footage mula sa Pasil Fish Port ang biktima si Chris Mark Sandoval habang nakasandal sa bakod.

Isang bata rin ang nasa kabilang bahagi ng bakod na nagtangka umanong umakyat hanggang sa matumba ang bakod at madaganan si Chris Mark.

Kaagad na tumulong ang ilang residente para maalis sa pagkakaipit ang biktima.

Dinala ang bata sa isang ospital ngunit inilipat din sa ibang ospital dahil sa tindi ng tinamo niyang pinsala.

Kinalaunan, binawian din siya ng buhay.

Umaapela ng tulong ang pamilya ng biktima, at tutugon naman umano ang lokal na pamahalaan na nagsasagawa na ng imbestigasyon sa nangyari.

May hiwalay na imbestigasyon din na ginagawa ang pulisya.–FRJ, GMA Integrated News

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*