Dating prosthetics artist ng ‘KMJS,’ kinukuha na rin ng Netflix

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Mula sa lokal na telebisyon, pinakikinabangan na rin ngayon ng Netflix ang malikhaing talento ng dating prosthetics artist sa mga Halloween episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Sa nakaraang episode ng “Good News,” ipinakilala ang prosthetics artist na si Patrick John Petilo, na lumaki sa kalye ng Valenzuela City.

Noon pa man na bata siya, may mga kakaibang nakikita na raw si Petilo.

“Isang beses nagkayayaan kaming magtagu-taguan noon. Nakadapa siya, akala ko kalaro ko. Tina-try ko siyang hawakan,” kuwento ni Petilo.

Hanggang sa isang lalaki na duguan ang lumingon sa kaniya.

“Para siyang foggy apparition ng bata,” kuwento ni Petilo.

Isang gabi naman nang umuwi si Petilo mula sa paglalaro, nang makakita siya na isang itim na aparisyon na pumasok sa kanilang tahanan.

Dahil dito, ipinagdasal na rin si Petilo ng rosaryo ng kaniyang tiyahin.

Ang kaniyang pagiging matatakutin, napakinabangan ni Petilo nang maging malikhain siya at magsimulang gumawa ng mga nakatatakot na prosthetics.

“One day na-realize ko ito na rin ang calling ko. Natutunan ko na rin siyang i-enjoy sa sarili ko from hobby to naging profession ko na rin,” anang prosthetics artist.

Nagkataong mula sa kaniyang grupo ng Facebook friends, may isang may kakilala roon na researcher mula sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.” Dito inirekomenda si Petilo at napakinabangan ang kaniyang mga multong prosthetics.

“Nakaka-proud din noong first [project] namin na nakita namin sa TV. Hindi namin expected na aabot sa gano’ng point,” sabi ni Petilo.

Katuwang ni Petilo sa paggawa ng mga prosthetics na multo at halimaw ang partner niyang si Carlos Latonero Jr.

Sa dami ng kanilang ginawa, ang pinakaborito nila ay ang Aswang episode ng KMJS.

Kalaunan, tinatawagan na rin sila para gumawa ng prosthetics sa mga international channel at streaming sites gaya ng Netflix.

Sa panayam ng Good News, sinabi nina Petilo at Latonero na wala silang pinasukang eskuwelahan para matutunan ang prosthetics, kundi trial and error at eksperimento.

“Never stop learing. If you feel frustrated, hindi mo makuha ‘yung gusto mo, give yourself a rest then try mo ulit, until ma-achieve mo ‘yung gusto mong gawin,” sabi ni Petilo. — Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*