Engineer, patay sa pamamaril sa labas ng kaniyang bahay sa Digos City

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Patay ang isang engineer matapos siyang barilin sa labas ng kaniyang bahay sa Digos City, Davao del Sur nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Biyernes, sinabing kadarating lang ng biktimang si Felix Tabasa, 67-anyos, nang lapitan siya at barilin ng salarin.

Tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo, habang binawian naman ng buhay sa ospital ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng motibo sa krimen, at pagkakakilanlan ng salarin.– FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*