Lalaking ‘nahipnotismo’ umano ng sobrang kagandahan ng babaeng foreigner, nawalan ng P200k

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Sa gitna ng biyahe mula sa pamimili ng mga baboy sa Negros ng lalaking itinago sa pangalang “David,” isang kotse ang sumabay sa kanilang sasakyan at nagwagayway ng perang dolyar. Nang tumigil sila sa gilid ng daan, hindi niya inasahan ang sunod na mangyayari nang makita ang isang napakagandang foreigner na babae.

Sa ulat ng FYP ng GMA Integrated News, ipinakita ang video na kuha mula sa dashcam ng sinasakyan ni David, nang tumapat sa kanila ng isang kotse at nagwagayway ng perang dolyar ang nasa passenger seat nito.

Sa pag-aakala ni David at ng kaniyang kasama na magpapapilit lang ng pera ang nasa kotse, tumigil sila sa gilid ng daan.

Isang lalaking dayuhan ang unang bumaba mula sa kotse at lumapit sa sasakyan nina David at nagtatanong ng tungkol sa pera na inakala nilang magpapapalit.

Ayon kay David, pinakitaan daw sila ng dayuhan ng maraming dolyar, at hinahanapan sila ng pera.

“Ang sabi ko sa kanila wala akong money, wala akong pera. Pinilipit pa rin akong hanapan ng P200, eh ang sabi ko wala akong dalang pera,” kuwento ni David.

Binuksan pa raw ng dayuhan ang drawer sa sasakyan at ang kaniyang bag na may nakalagay na pera ngunit kaunti lang.

Nagmatigas daw noong una si David para hindi makuha ang pera niya pero nag-iba ang sitwasyon nang lumabas na rin mula sa kotse ang dayuhang babae at lumapit sa kanila.

“Sobrang ganda talaga eh. Parang na-hypnotized ba. Nawalan ako ng malay kasi na-mental block,” natatawang sabi ni David.

Sumandal daw muna ang babae sa puwesto na malapit sa drayber. Pero nang wala itong nakitang pera sa kasama niya, siya na ang pinuntirya, at nakita ang nakaumbok sa kaniyang bulsa.

“Ang aking bulsa parang may bukol na pera tinuturo-turo niya kung ano yung laman. Hanggang sa ayun pinilit-pilit niya sa akin na ilabas lahat ng pera,” ayon kay David.

Matapos na makakuha sa kaniya ng pera ang mga dayuhan, umalis na ito at nag-iwan ng “gift” na hindi binanggit kung ano.

Ayon kay David, hindi nila agad napansin na nawalan siya ng pera at hindi rin kaagad nakapagsumbong sa awtoridad dahil para daw silang natulala.

“Hinawakan ko yung pera ko parang numipis yata. Biniling ko agad kulang talaga,” sabi ni David.

Pinanood daw niya ang kuha sa dashcam at sinabi sa kaniyang kapatid ang nangyari.

Ayon kay David, mahigit P200,000 na puhunan nila sa babuyan ang nawala sa kaniya.

Inilabas niya sa social media ang video para mabigyan daw ng babala ang iba at malaman ng mga makakapanood ang nangyari sa kanila.

Hinahanap pa ng team ang mga dayuhan na nasa video para alamin ang kanilang panig, ayon sa ulat.

Ngunit kung ang isang psychologist/hypnotherapist ang tatanungin, hindi nahipnotismo si David kung hindi ginulo lang ang kaniyang isip sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga dolyar at magandang babae.

Ano naman kaya ang masasabi ng awtoridad sa insidenteng ito na nangyari kay David?  Panoorin ang buong kuwento sa video.– FRJ, GMA Integrated News

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*