Alyssa Valdez, inilahad ang rason kung bakit hindi sinubukang mag-artista

I show You how To Make Huge Profits In A Short Time With Cryptos!

Bukod sa kaniyang angking galing bilang isang volleyball player, kilala rin si Alyssa Valdez dahil sa kaniyang natatanging ganda at iba pang mga talento. Bakit nga ba hindi niya sinusubukang mag-artista?

“Bakit hindi ka nag-artista?” tanong ni Tito Boy kay Alyssa sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes.

“Tito Boy wala po akong masyadong talent. Mag-volleyball lang yata talaga,” birong sagot ni Alyssa tungkol sa kaniyang sarili.

Sa kabila nito, sumabak na si Alyssa sa ilang hosting stints.

“Tito Boy, if you need someone to co-host, I will be very [happy]” biro ni Alyssa kay Tito Boy.

Samantala sa Fast Talk segment, sinabi ni Alyssa na “guilty” siya na naisip niya minsang magretiro mula sa volleyball.

“Not guilty” naman na niligawan siya ng artista at politiko, ngunit sinabi niyang “guilty” siya na may nagpapakilig sa kaniya ngayon.

Sa naturang episode, ikinuwento rin ni Alyssa na nakasalamuha niya ang Japanese volleyball star na si Ran Takahashi.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*